YUNIT III . MGA SEKTOR
NG EKONOMIYA
I.
PANIMULA
Tatalakayin
ang unit na ito ang kahalagahan ng bahaging ginagampanan ng iba’t ibang sector
ng ekonomiya.Nilalarawan din ang kanilang kasalukuyang kalagayan upang malaman
ang kahalagahan nito.Susuriin din ang mga gawain ng mga ahensyang sangkot ditto
pati ang mga suliraning kinahaharap ng sector ng agrikultura.Ang mga
nangungunang sector ng ekonomiya ay ang agrikultura,industriya at paglilingkod.
II.MGA GABAY SA
PAGGAMIT NG MODYUL
1.
Sagutan
ang pagsusulit na nasa simula ng modyul
2.
Ihambing
ang iyong tamang sagot sa mga tamang sagot sa Apendiks,kapag mababa ang marka,
huwag mag-alal. Ang isang marka ay isang
indikasyon ng iyong nalalaman at di nalalaman tungkol sa paksa.
3.
Pag
aralan na mabuti ang mga leksyon/arali. Ang mga ito ay gawaing magbibigay sa
iyo ng sapat na kaalaman tungkol sa paksa..
4.
Sagutan
ang mga pagsusulit na matatagpuan sa huling bahagi ng bawat aralin. Ang mga
tamang sagot ay nasa Apendiks
5.
Iwasan
ang pagbasa sa mga aralin habang sinasagutan ang pagsasanay
III.Pangkalahatang
layunin:
Naipamamalas
ang pag unawa at pagpapahalaga sa bahaging ginagampanan ng iba’t ibang sector
ng ekonomiya para sa kapakanang panlahat.
KABANATA 12. AGRIKULTURA
MGA TIYAK NA LAYUNIN:
Pagkatapos ng pag-aaral ng kabanata, ang mga mag aaral ay
inaasahang:
1. Nakikilala ang mga sector na bumubuo sa
industriya ng agrikultura,pangingisda,pagmimina at paggugubat sa bansa.
2.
Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng industriya ng agrikultura(
paghahalaman,paghahayupan,pagmimina, pangingisda at paggugubat).
3.
Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng industriya ng agrikultura
(paghahalaman,paghahayupan,pagmimina,pangingisda at paggugubat).
4.
Natatalakay ang mga iba’t ibang
institusyon at programa na makatutulng sa industriya ng
agrikutura(paghahalaman,paghahayupan,pagmimina, pangingisda,pagmimina at
paggugubat)
5
. Naitataguyod ang mga programang
pansakahan
6.
Naipaliliwanag ang kahulugan ng yamang
napapalitan,di napapalitan at yamang muling nagagamit
Nahahati ang sektor ng agrikultura sa:
1. Paghahalaman
2. Paghahayupan
3. Pangingisda
4. Paggugubat
5. Pagmimina
A.PAGHAHALAMAN
Ito ay tumutukoy sa mga pangunahing pananim ng
bansa tulad ng palay,mais,niyog tubo,saging, pinya,kape mangga,tabako at
abaka.Malaki rin ang produksyon ng gulay,halamang ugat at halamang yaman sa
hibla(fiber) sa gawaing pang agrikultura ng bansa.Halimbawa nito ay ang mani,
kamoteng kahoy, kamote,bawang, sibuyas,kamatis,repolyo talong , at kalamansi.
B. PAGHAHAYUPAN
Malawak ang industriyang ng
paghahayupan sa bansa.Mga pangunahing inaalagaan ang mga
kalabaw,baka,kambing,baboy, manok at pato.Upang mapigilan ang pagbaba ng bilang
ng kalabaw itinatag ang Batas Republika Bilang 7307 ang Philippine carabao
Center na siyang mangangasiwa sa pagpaparami at pagpapaunlad ng populasyon ng
mga kalabaw bilang katulong ssa pagsasaka at pagkukunan ng karne ,gatas at
katad.Ang Batas Republika bilang 8485 o ang Animal Welfare Act of 1988 ay
nagpapahintulot na katayin ang kalabaw kung ito ay dalawa o tatlong taong
gulang na.
v PANGISDAAN
Ang Pilipinas ang pinakamalaking
prodyuser ng isda sa buong mundo. Nahahati ang industriya ng pangisdaan sa
pangisdaang komersyal,municipal at aquaculture.ang aquaculture ang
pinakamalawak ang kabuuan.Ang hipon at sugpo ang pangunahing produktong
niluluwas sa ibang bansa. Ang carrageenan ang damong dagat na ginagawang
gulaman.
D.PAGGUGUBAT
Ito ay tumutukoy sa mga yamang gubat
kagaya ng torso,plywood,table at iba pang mga yamang nakukuha sa mga punong
kahoy sa kagubatan.Kasama rin ditto ang mga produktong gubat na hindi kahoy
tulad ng rattan,nipa,anahaw,kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.
E.PAGMIMINA
Ang Pilipinas ang isa sa may
pinakamaraming mina sa buong mundo.May mga yamang mineral,yamang di metal at
enerhiya na matatagpuan sa mga
kabundukan,kapatagan,baybayin at maging sa may mga karagatan.
Halimbawa ng mineral, ang cadmium,
chromite,cobalt,tanso,
ginto,bakal,manganese,lead,mercury,molybdenum,nickel,palladium,pilak,uranium at
zinc.
Halimbawa naman ng di metal ang
asbestos,barite,fentonite,semento,luwad,karbon,graba,diatomite,dolomite,feldspar,guano,gypsum,adobe,magnesite
,marmol,mica,natural na gas,perlite,petrolyo,batong
phosphate,pyrite,aspalto,buhangin,sulfur at talc.
Mga iba’t ibang probinsiya kung saan
matatagpuan ang mga yamang ito ay sa Benguet,Camarines Norte,
Zambales,Cebu,Masbate,Davao del Norte,Marinduque at Negros Occidental.
·
KAHALAGAHAN NG AGRIKULTURA
v Pangunahing pinagmumulan ng
hanapbuhay.
v Pinagkukunan ng pagkain at materyal
sa mga industriya.
v Nagsisilbing “Market” o pamilihan ng mga
produkto sa industriya.
v Pinagkukunan ng kitang panlabas.
v Pinagkukunan ng karagdagang tulong ng
iba’t ibang sector ng ekonomiya.
·
MGA DAHILAN AT EPEKTO NG MGA SULIRANIN SA SEKTOR NG
AGRIKULTURA
v Pagkaubos ng kagubatan
v Erosyon ng lupa
v Polusyon
v Global warming
v Kakulangan sa implementasyon ng mga programang
pansakahan
v Kawalan ng suporta ng pribadong sector
Mga sanhi ng polusyon ay ang walang pakundangang paggamit
ng kemikal na nagmumula sa duming pantahanan,pang agrikultura at
pangindustriya.Kagaya ng mga pesticides.Ito ay mayroon din masamang epekto sa
kalusugan at ang pagkasira ng likas na sustansiya ng lupa.Nagdudulot din ng
fishkill sa mga karagatan.
Ang global warming ay ang hindi pangkaraniwang pangyayari
sa pandaigdigang klima dahil sa pagkakulong ng init ng araw sa atmospera sanhi
ng carbon dioxide ( mula sa pagsusunog ng fossil fuel),nitrogen oxides( usok ng
mga sasakyan) at chorofluorocarbon( sa latang aerosol at refrigerator)
·
MGA DULOT NG GLOBAL WARMING
v Biglang pagtaas ng tubig sa dagat na magpapalubog sa
mga mababang lugar sa buong mundo
v Malimit na pagdating ng bagyo,tagtuyot at iba pang
kalamidad
v Higit na halumigmig ng klima na nakasasama sa mga
pananim
v Mabilis na pagkaubos ng yaman sa tubig tabang
v Pagkasira ng sistema ng kalikasan
·
MGA KASALUKUYANG PROGRAMA SA PAGPAPAUNLAD NG SEKTOR NG
AGRIKULTURA
a. Medium Term
Philippine Development Plan
Ang patakarang ito ay naglalayong bawasan ang
kahirapan ng mga mamamayan mula sa 39 na bahagdan hanggang 30 bahagdan noong
1998.
b.
Medium Term Agricultural Development Program
Ang
programang ito ay naglalayong mapaunlad ang agrikultura sa mga sumusund na
pamamaraan:
1. Key Production Approach
Itinutuon nito ang pagsuporta sa mahahalagang sector ng agrikultura
kasama dito ang pagpapatupad ng programang reporma sa lupa ,pagbibigay tulong
at pagllingkod tulad ng sistemang pagpapatayo ng patubig,daan,post harvest
facilities pagpapautang at pagsasanay sa mga magsasakang napiling maging
benepisyaryo
2.Paglahok sa pandaigdigang
kompetisyon
Nararapat na bigyang pansin ang
pagpapalawak sa pagtatayo ng mga imprastraktura sa mga lalawigan, higit na
epektibong pangangasiwa ng mga programa at proyekto sa pangisdaan,pagsasaka at
paggugubat at iba pang mga programang nakakatulong sa sektor ng agrikultura.
2.
Gintong ani
Ito ay
nakatuon sa ppagpapalawak ng pangisdaan,paghahayupan at produksyon ng palay,mais
at iba pang pananim na mataas ang halagang pangkomersyal.
·
MGA AHENSYANG NANGUNGUNA SA PAGPAPATUPAD NG MGA PROGRAMANG PANG AGRIKULTURA:
Ø
Department of
Agriculture (DA)
Ø
Department of
agrarian Reform (DAR)
Ø
Department of
Environment and Natural Resources (DENR)
Ø
Bureau of
Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)
Ø
National
Irrigation administration (NIA)
Ø
National Food
Administration (NFA)
·
Mga Ahensya para sa Proteksyon ng mga Kagubatan
Ø
Forest Management
Bureau (FMB)
Ø
Protected Areas
and Wildlife Bureau( PAWB)
Ø
National Mapping
and Resources Information Authority ( NAMRIA)
Ø
Program for
Forest Ecosystem Management (PROFEM)
·
Mga Ahensya sa Pangangalaga ng Yamang Mineral
Ø
Bureau of Mines and Geo Sciences . Nagrerekomenda ng
mga patakaran,regulasyon at programang nauukol sa paglinang ng mga yamang
mineral at heolohiya sa DENR.
Pinagtibay noong Marso 3,1995 ang Mining
act of 1995 o Republic Act 7942 bilang hakbang sa pangangalaga ng
kagubatan.Nakasaad sa batas na ito na ang lahat ng yamang mineral na
matatagpuan sa pribado at pampubllikong lupain ng teritoryo at eksklusibong
pang ekonomiyang sona ng Republika ng pilpinas ay pagmamay ari ng estado.
·
Institusyon sa Pangisdaan
Ø
Department of
Science and Technolgy (DOST). Ito ang namamahala sa pananaliksik sa larangan ng
pangingisda
Ø
Southeast Asian
Fisheries Development Center( SEAFDEC)
PROGRAMA SA REPORMA SA LUPA
ü
Ito ay isang
programang nakatuon sa progresibong pamamalakad sa lupa sa pamamagitan ng
pamamahagi ng lupa at pagbibigay ng tulong paglilingkod sa mga benepisyaryo
upang mapabilis ang antas ng kaunlaran sa mga pook rural.
·
Department of
Agrarian Reform ang nangngunang ahensya ng pamahalaan sa pagpapatupad ng
reporma sa lupa.Ito ang bumubuo ng mga patakaran ,plano at programa na nauukol sa
reporma sa lupa.
·
Land Bank of the
Philippines ang bangkong tumutugon sa pinnsyal na pangangailangan ng programang
reporma sa lupa.
·
KASAYSAYAN NG REPORMA SA LUPA
v
Pangulong Emilio
Aguinaldo – pinamahagi niya ang mga lupa ng mga prayle
v
Panahon ng mga Amerikano-nagkaroon
ng panibagong sistema sa pagpaparehistro ng lupa at pagpapamahagi ng lupain ng
pamahalaan
v
Panahon ng
Komonwelt ni Manuel L. Quezon- ang programang reporma sa lupa ay nakatuon sa
programang katarungang panlipunan
v
Panahon ni
Pangulong Ramon Magsaysay
v
Pangulong
Diosdado Macapagal
v
Pangulong
Ferdinand Marcos .Itinatag niya ang Presidential Decree bilang 27 na
naglalayong ipamahagi ang 700,000 ektarya ng lupa sa mga nagtatanim ng palay at
mais.
Ang P.D. 27 ay kilala sa tawag na Farmers Emancipation
Act at nilagdaan n pangulong Marcos noong ika 21 ng Oktobre 1972.Ayon sa batas
na ito,nararapat na pupunta sa kasama o tenant ang lupa kung hindi irrigated at
tatlong ektarya naman kung irrigated.
v
Pangulong Corazon
C. Aquino. Itinatag niya ang CARP o Comprehensive Agrarian Reform Program noong
Hunyo 10,1988 na nakatuon sa Republic Act 6657.
·
MGA MAHAHALAGANG PROBISYON NG P.D. 27
v
Hindi maaring
ipagbili o isangla ang lupang tenanted
Ø
Hindi maaring
paalisin ng may ari ng lupa ang kanilang kasama o tenant
Ø
Maari lamang
masalin sa mga tagapagmana ang titulo ng lupang nakuha ng kasama mula sa may
ari ng lupa
Ø
Nasasaad din sa
batas nab ago mabigyan ng lupa ang isang
kasama kailangang kasapi siya ng isang kooperatiba ng mag magsasaka na kilala
ng pamahalaan at ang kooperatiba ang magpapasan ng amortization kung hindi
makabayad ang kasama na kasapi nito.
·
MGA AHENSYA NG PAMAHALAAN NA TUMUTULONG SA PROGRAMANG
REPORMA SA LUPA
Ø
Department of
Agrarian Reform(DAR)
Ø
Agriculture
Productivity Commission (APC)
Ø
Bureau of Plant
Industry(BPI)
Ø
Department of
Agriculture(DA)
Ang CARP o RA 6657 ay naglalayong
ipamahagi ang 8.1 milyong ektarya sa 3 milyong Pilipino.Ang mga pangunahing
probisyon ng batas na ito:
§
Pagsaklaw sa
lahat ng lupang pansakahan ano man ang nakatanim ditto
§
Pagkilala hindi
lamang sa mga kasama bilang mga benepisyaryo kundi lahat ng mga manggagawa sa
bukid
§
Pagbibigay ng
tulong o paglilingkod sa mga benepisyaryo
§
Pagpapatupad ng
sistema sa upa,pamamahagi ng hayop at paghahati ng tubo sa pagitan ng magsasaka
at may ari ng lupa
§
Pagtatatag ng
Agrarian Reform adjudication Board na tagapasya ng mga kasong pang agraryo
MGA
SULIRANIN NG CARP
Ø
Suliranin sa
pondo
Ø
Hindi pagkasundo
sa paggamit ng lupa
Ø
Paglabag sa R.A
6657
Ø
Tulong
Paglilingkod
Ø
Resolusyon ng mga
kaso
MGA YAMANG NAPAPALITAN,DI NAPAPALITAN AT
MULING NAGAGAMIT
Ø
A.Yamang napapalitan ay tumutukoy sa mga produktong agricultural at iba pang uri ng
produkto na ginagamit bilang hilaw na materyal sa industriya at pinagkukunan ng
enerhiya.Mga punongkahoy sa kagubatan at mga isda sa karagatan ang mga
halimbawa ng yaman ito
Ø
Yamang hindi napapalitan .Ito ay mga yamang nawawalan ng halaga sa oras na
magamit na ito. Halimbawa ay karbon at ang krudo o langis.
Ø
Yamang muling nagagamit.Ang mga produkto o bagay na mga ito ay tinatawag na
recyclable na maaring gamitin muli.
Halimbawa nito ay tubig ,ginto at pilak,papel, bakal,salamin at aluminum.